FORBIDDEN LETTER
Para sa nanakit.
Para sa mananakit.
Para sa nasaktan.
Para sa iyo.
Patawad. Pitong titik, isang salita.
Pitong titik, isang salita na hindi mo narinig sapagkat hindi ko binigkas at hindi ko bibigkasin kailanman. Sapagkat sa oras na sambitin ko ang katagang ito ay kasabay ang aking pamamaalam. Kahit kailangan, ayaw kong magpaalam.
Alam kong nananabik ka na. Ang iyong pusong iniwan kong sugatan; ang iyong mga kamay na aking pinakawalan; ang iyong pag-ibig na hindi ko nasuklian, nanabik ka na. Sumusulat ako sa iyo ngayon hindi upang takpan ang nakaraan. Kung hindi upang ipaalam sa iyo na mahalaga ka at hindi ka dapat sinasaktan. Bagay na hindi ko agad napagtanto; na ipinagkait ko nang minsan mong hingin.
Patawad sa mga panahong hindi ako nakinig at hindi ko dininig ang bawat bulong mo ng 'mahal kita'.
Patawad sa mga hindi ko naibigay na oras na dapat ay sa iyo.
Patawad sa mga araw na hindi ko naiparamdam sa iyo ang iyong halaga.
Patawad na ipinaramdam ko sayo ang iyong halaga.
Patawad sa mga araw na pinasaya kita ngunit iniwang luhaan sa huli.
Patawad sa mga gabing niyapos ko ang iyong pisngi.
Patawad sa bawat bakas ng ngiti.
Patawad na mas pinili ko ang sarili ko.
Patawad na mas pinili ko siya.
Patawad na tinangka kong abutin ang mga bituin kahit alam kong hindi ko ito abot.
Patawad na nang maabot ko ang bituin sa iba ko ito ibinigay.
Patawad sa mga inukit kong alaala sa puso mo; mga alaalang hindi na masusundan pa at mananatili na lamang na alaala.
Patawad na minahal kita.
Patawad na hindi na kitang mahal pa.
Ganunpaman, tandaan mo. Hindi ako humihingi ng tawad upang ipaalala ang aking pagkakamali, at saktan ka sa huli. Humihingi ako nang tawad upang buksan mong muli ang iyong puso sa mas karapat-dapat, at hindi na makarinig pa ng salitang patawad.
- 2Pen

Ehem
ReplyDelete