Ikaw ang Bulag, hindi ang Pag-Ibig
"Love is blind."
Kailanman hindi naging bulag ang pag-ibig sapagkat ikaw ang binubulag niya.
Hindi pag-ibig ang namimili ng kabiyak. Hindi ito ang nagdedesisyon. Hindi pag-ibig ang namimili ng pag-ibig.
Binulag ka ng pag-ibig sa paraang hindi mo inaasahan. Ang tao ay may pag-ibig. Ang pag-ibig ay tao. Ang tao ang bumubulag sa iyo. Darating siya may dala-dalang tsokolate, hahaplusin ang iyong mga buhok, sabay ngingitian ka ng ubod ng tamis. Ito ang bumulag sa iyo. Kung minsan tatabihan ka niya, sasabihin sa iyo ang pinaka-romantikong kataga. Hindi ka nabingi ngunit nabulag ka.
At sa panahong tuluyan ka nang nawalan ng paningin ay kasabay ng pagkawala ng pagtingin mo sa iba. Ang pag-ibig na bumulag sa iyo ang naging sentro ng inakala mong walang katapusang pag-ibig.
Hindi ka na makalingon sa iba, hindi ka na makatitig.
At sa paglipas ng panahon at saka lamang lumabas ang kadiliman. Nawala ang iyong paningin, nawala ang kaniyang pagtingin. Ngayon hirap kang makakita, at sabik na sabik ka sa liwanag. Ngunit hindi pa huli ang lahat. Unti-unti kang maghihilom. Pagtanggap ang magbabalik ng iyong paningin. Muli mong masisilayan ang pag-ibig, at sa pagkakataong ito sana hindi ka nang mabulag muli.
- 2Pen

Comments
Post a Comment